Sa pangunguna ni Mayor Ronnie Valencia at Konsihal Jeffrey Timoner ay nagsagawa ng flushing operation kagabi July 5, 2025 sa palibot at loob ng Daet Public Market ang mga tauhan ng MENRO-Daet sa tulong Bureau of Fire Protection ng Daet at Talisay.
Ang naturang flushing operations sa Daet Public Market ay umabot hanggang sa may bahagi ng Daet Elevated Plaza at ito ay naglalayong maging mas malinis at mabango ang lugar para maging kaayaaya sa mga manininda at mamimimili.
Ikinatuwa naman ng mga stall owners ang naturang inisyatiba ng lokal na pamahalaan sapagkat matagal na rin umanong hindi nalilinis ang lugar at hindi na maganda ang amoy. Hiling lang nila na gawing regular ang naturang flushing operation lalo na sa may wet market dahil dito umano nagsisimula ang hindi kaayaayang amoy sa paligid.
Personal namang pinasalamatan ni Mayor Ronnie Valencia ang mga tauhan ng BFP Daet at Talisay sa suporta at pinuri din ang mga tauhan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Daet sa pagpursige sa naturang gawain.


“Ikinatuwa naman ng mga stall owners ang naturang inisyatiba ng lokal na pamahalaan sapagkat matagal na rin umanong hindi nalilinis ang lugar at hindi na maganda ang amoy.” – pinagquote ko itong statement na ito ng mga stall owner. Sila ang palagi dyan sa palengke at sila ang nakakakita ng sitwasyon mula sa kalinisan at disiplina ng mga taong dumadaan dyan. Dapat meron din silang ginagawang inisyatibo at hindi iaasa sa lokal na pamahalaan. Ang ganitong hakbangin ay maganda subalit kailangan ang cooperation ng mga stall owner na sila mismo walang basurahan at nagkakalat ang mga basura.