Simple at Murang Graduation at Moving Up ipinag-utos ng Department of Education

Naglabas ng kautusan ang Department of Education (Deped) sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa na magsagawa ng simple at murang graduation at moving-up ceremonies para sa Taong Panuruan 2025-2026 bilang tugon sa tumataas na gastusin sa transportasyon at presyo ng mga bilihin.

Ang naturang kautusan ay nakapaloob sa Deped Memorandum No 15 s. 2026 na kung saan ipinagbabawal ang anumang koleksiyon ng fees o kontrbusyon mula sa mga estudyante para sa end-of-school year rites. Ito umano ang paraan ng Departamento upang mapagaan ang pasanin ng bawat pamilya.

Nakapaloob din dito ang kailangan umanong iwasan ang magastos na venue at gawing inklusibo ang mga seremonya habang maaring gamitin ang school MOOE para sa gastos..

Sa pagtaya ng Deped aabot sa 1.9 milyong estudyante mula sa Grade 6 ang magtatapos samantalang 1.8 milyon naman sa Grade 12 na nakatakda ang mga seremonya sa Marso 30 o 31 ayon sa itinakda ng School Calendar Year 2025-2026.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top