Mas lalong pinagtibay ng tanggapan ng Department of Transportation ang paglaban sa mga online license fixers at mga non-compliant driving school.
Ayon sa DOTR. aabot sa 100 na driving schools na ang kanilang ipinasara sa mga nagdaang linggo.
Plano ng DOTr na mapadali ang pagkuha ng publiko ng kanilang drivers license. May mga babaguhin lang umano sila sa sistema para maiwasan ang corruption at mahikayat ang mga aplikante na dumaan sa tamang proseso.
Ang paulit-ulit na proseso at labis na requirements ang siya umanong nagiging dahilan upang tumaas ang bilang ng mga fixers.
Pagtitiyak ng DOTr na hindi sila titigil na habulin ang mga indibidwal at mga institusyon gaya ng mga clinics , testing centers at driving schools.

