Basud, Camarines Norte – Arestado ng Basud Municipal Police Station (MPS) ang rank 8 Provincial Most Wanted Person matapos ikasa ang operasyon dakung 8:10 ng umaga, Oktubre 18, 2025 sa Purok Yakal, Barangay Poblacion 2, Basud, Camarines Norte.
Ang suspek ay naaresto sa bisa ng dalawang warrant of arrest sa mga kasong, Paglabag sa Seksyon 5(b) ng R.A. 7610 (Batas sa Pagprotekta sa mga Bata laban sa Pang-aabuso) sa ilalim ng Criminal Case No. 33028, na may inirekomendang piyansa na ₱200,000.00; at Acts of Lasciviousness (Art. 336 ng Revised Penal Code) na inamyendahan ng R.A. 8353 at R.A. 11648, sa ilalim ng Criminal Case No. 33029, na may inirekomendang piyansa na ₱108,000.00.
Ang nasabing akusado ay kabilang sa Provincial Most Wanted Person (PMWP) Rank No. 8 ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) na may TIP G-2025-002-PRO5-CN-BASUDMPS. Siya ay maayos na binigyan ng abiso hinggil sa kanyang mga karapatang konstitusyonal at kasalukuyang nasa kustodiya ng Basud MPS para sa wastong disposisyon.
Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon at malasakit ng Basud Municipal Police Station upang masigurong mapapanagot ang mga wanted person at mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lalawigan.
Source: Basud Municipal Police Station


kaylan kaya lalabas sa balita, buwaya nahuli at ikinulong ng kapulisan