Jose Panganiban, Camarines Norte – Naaresto ng mga operatiba ng Jose Panganiban Municipal Police Station ang isang 45-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest sa isinagawang intelligence-driven operation kaninang umaga, Abril 8, 2026.
Kinilala ang naarestong si Alyas Rico, 45 taong gulang, may asawa, isang construction worker at residente ng Brgy. Nakalaya, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Bandang alas-11:20 ng umaga nang maisagawa ang pag-aresto sa Brgy. North Poblacion, Jose Panganiban, Camarines Norte sa pamamagitan ng tracker team ng Jose Panganiban MPS katuwang ang Camarines Norte Police Intelligence Unit.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 40, Daet, Camarines Norte kaugnay ng kasong Consented Abduction in relation to R.A. 7610 na may Criminal Case No. 17171 na may petsang Enero 26, 2016. Itinakda ng hukuman ang piyansang nagkakahalaga ng ₱80,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Matapos ang pag-aresto, agad na dinala ang suspek sa Rural Health Unit para sa kaukulang medical assessment bago ito dinala sa Jose Panganiban MPS para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.
Source: Camarines Norte PNP Provincial Office

