Panibagong tigil pasada ang isasagawa ng ilang mga transport group sa bansa sa darating na Marso 26 – 27 ngayong buwan ng Marso, 2026.
Ayon kay MANIBELA President Mar Valbuena ang naturang kilos protesta ay lalahukan ng mga jeepney drivers, ride hailing services, UV Express, Motorcycle taxis at truckers group.
Lahat umano ng mga ito ay dumadaing sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo kung saan ang mga kumikita ay ang naglalakihang gasolinahan.
Dagdag pa nito ang pagbawi ng Pangulong Bongbong Marcos Jr sa dagdag pasahe ng mga Public Utility Vehicle na direktang apektado sa pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ayon pa dito maaring pasimulan ang tigil pasada sa Marso 25 upang iparamdam ang kanilang hinagpis.
Ayon naman sa Oil Price Hike Coalition ay maaring ito ay maituturing na pinakamalaking tigil pasada sa kasaysayan ng ating bansa.

