Inagurasyon ng International Seaport sa Jose Pangaiban nalalapit na

Camarines Norte – Ibinahagi ni Governor Dong Padilla sa mga mamamayan ang isang napakahalagang yugto para sa lalawigan ng Camarines Norte, ito ay ang nalalapit na inagurasyon ng International Seaport sa Jose Panganiban.

Ayon sa Gobernador, ang nasabing pasilidad ay matagal ng pinapangarap ng probinsya, kaya naman mula pa, sa simula ay sinikap niyang tutukan ang bawat hakbang para ito ay maisakatuparan, mula sa pakikipagpulong sa Philippine Reclamation Authority at Philippine Ports Authority, hanggang sa personal na pagbisita at pagmonitor sa konstruksyon ng naturang proyekto.

Matatandaan, na ang proyektong International Seaport sa Barangay Osmeña, Jose Panganiban ay may pondong P540 million pesos na kinalap ni Governor Dong Padilla mula kay Senador Robin Padilla at sa Philippine Ports Authority (PPA).

Idinagdag ng Gobernador na hindi lang ito basta pantalan, kundi ito ay isang pintuan ng oportunidad para sa lalawigan, dahil sa pamamagitan nito, ay inaasahan na mapapadali ang kalakalan, mababawasan ang gastos sa transportasyon, at mas mapapalakas ang daloy ng mga produkto na magpapalakas ng ekonomiya sa probinsiya. Higit sa lahat, ay magbubukas aniya ito ng mas maraming trabaho at pagkakataon para sa mga kababayan, habang inaanyayahan ang mga mamumuhunan na magtiwala at magnegosyo dito sa Camarines Norte.

Unti-unti na rin aniya nating nararamdaman ang bunga ng mga pagsisikap at sakripisyo. At sa tulong at suporta ng mamamayan ay naniniwala ang Gobernador na ang proyektong ito ay magiging susi sa mas maunlad na kinabukasan, hindi lamang para sa ating lalawigan kundi para sa buong Bicol Region.

Sa huli, ipinahayag ni Governor Padilla: “𝘈𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘣𝘰𝘴 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘺 𝘚𝘦𝘯𝘢𝘥𝘰𝘳 𝘙𝘰𝘣𝘪𝘯 𝘗𝘢𝘥𝘪𝘭𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘪𝘭𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘰𝘯𝘥𝘰 𝘶𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘴𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘱𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘺𝘦𝘬𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪 𝘝𝘪𝘤𝘦 𝘎𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘰𝘳 𝘌𝘯𝘨𝘳. 𝘑𝘰𝘴𝘦𝘱𝘩 𝘈𝘴𝘤𝘶𝘵𝘪𝘢 𝘢𝘵 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘪𝘺𝘦𝘮𝘣𝘳𝘰 𝘯𝘨 𝘚𝘢𝘯𝘨𝘨𝘶𝘯𝘪𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘭𝘢𝘭𝘢𝘸𝘪𝘨𝘢𝘯, 𝘬𝘢𝘴𝘶𝘯𝘰𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘪𝘩𝘪𝘬𝘢𝘺𝘢𝘵 𝘯𝘢 𝘴𝘢𝘮𝘢-𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘱𝘢𝘨𝘥𝘪𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘺𝘶𝘨𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘯𝘭𝘢𝘥 𝘩𝘢𝘵𝘪𝘥 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘴𝘪𝘭𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘱𝘢𝘯𝘨-𝘵𝘳𝘢𝘯𝘴𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘸𝘪𝘨𝘢𝘯.”

Source: DWCN FM

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top