Author: Jun Avila

Ang kahalagahan ng Abril A-kinse sa bawat Camnorteno

Ang bawat lalawigan ay may petsang nakaukit sa kanilang kasaysayan na nagsisilbing simbolo ng kanilang pagsasarili at pagkakakilanlan. Para sa mga mamamayan ng Camarines Norte, ang Abril 15 ay hindi lamang isang ordinaryong araw sa kalendaryo; ito ang araw ng kanilang opisyal na pagsilang bilang isang malayang probinsya. Bagama’t ang batas para sa paghihiwalay ng […]

28 Mga Senior Citizens na Edad 90 taong gulang tumanggap ng tig-90 Libong Piso mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Labis labis ang kasiyahan ng 28 mga senior citizens na edad siyamnapung taong gulang dahil sa nakatanggap sila ng tig-90 libong piso(90K) tulong pinansyal mula sa pamahalaang panlalawigan batay sa inaprubahang ordinansa na pangunahing isinulong ni Bokal Winnie Balce Oco. Nitong Lunes, Marso a-disisais sa pangunguna nina Acting Governor Joseph Ascutia at Board Member Oco […]

Problema ng basura sa Daet ay kolektibong responsibilidad hindi pulitika

Ang layunin na maresolba ang problema sa basura ng Daet ay isang kolektibong responsibilidad na nakasalalay sa pagtutulungan ng bawat mamamayan at ng pamahalaan. Ang isyu ng basura ay isang pinagsamang pananagutan o shared responsibility; hindi ito kayang lutasin ng gobyerno lamang, at hindi rin ito magtatagumpay kung walang malinaw na direksyon mula sa mga […]

Barko na magkakarga ng Iron Ore Mula Jose Panganiban tuluyan ng lumayas matapos walang maipakitang dokumento

Jose Panganiban, Camarines Norte – Tuluyan nang umalis ang isang dayuhang barko mula sa karagatan ng Jose Panganiban nitong ika-19 ng Enero 2026, matapos itong mabigong makapaghakot ng kargamento dahil sa ipinataw na pagpapatigil sa operasyon ng isang minahan sa lalawigan. Sa panayam kay Sir Eric De Castro ng Camarines Norte Environmental Response Unit, sinabi […]

PRC Mobile Service, Nakatakdang Isagawa sa SM City Daet, Camarines Norte sa Loob ng Tatlong Araw

Inanunsyo ni Bokal Rodolfo “Pol” Gache, Chairman ng Sangguniang Panlalawigan Committee on Public Utilities, ang nakatakdang pagsasagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) Mobile Service sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong buwan. Ang naturang aktibidad ay gaganapin sa loob ng tatlong araw, mula Enero 26, 27, hanggang 28, 2026, sa SM City Daet. Inaasahang magsisimula ang […]

Pagkakapili ng Bagong Presidente ng Camarines Norte State College, Hiniling na Siyasatin ng Sangguniang Panlalawigan

Hiniling ng mga kaguruan ng Camarines Norte State College sa Sangguniang Panlalawigan na magpasa ng isang resolusyon na naglalayong magsagawa ng pagsisiyasat in aid of legislation ang mga kinuukulang sangay ng pamahalaan sa katatapos na isinagawang pagpipili ng ika-pitong presidente ng nabanggit na pampublikong kolehiyo dito sa ating probinsya. Batay sa liham na ipinadala ni […]

Acting Governor Joseph Ascutia umapela sa DPWH-Quezon na ayusin ang sira-sirang kalsada sa bayan ng Calauag at Lopez Quezon

Nanawagan si Camarines Norte Acting Governor Joseph Ascutia sa Department of Public Works and Highways (DPWH)-Quezon na agarang ayusin ang mga sira-sirang kalsada na bahagi ng Maharlika Highway sa mga bayan ng Lopez at Calauag, Quezon. Ayon sa Facebook post ni Acting Governor Ascutia, ang hindi magandang kalagayan ng kalsada ay nagdudulot ng matinding hirap […]

Budget Hearing ng 2.9 Bilyong Piso 2026 Executive Budget itinakda na

Itinakda na ng Sangguniang Panlalawigan ang schedule ng budget hearing ng 2.9 bilyong pisong 2026 Executive Budget(P2,974,373,397.00) na ilalaan sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaang panglalawigan para sa susunod na taon. Batay sa schedule na ibinigay ni Bokal John Carlo Lukad Villafuerte De Lima, chairman ng SP Committee on Finance, magsisimula ang pagtalakay sa budget ng […]

DSWD-BICOL, Naghatid ng Agarang tulong sa mga nasunugan sa Brgy Langga Basud, Camarines Norte

Camarines Norte – Naghatid ng agarang tulong ang Department of Social Welfare and Development-Bicol sa tatlong pamilyang nasunugan sa bayan ng Basud, Camarines Norte. Ayon sa official Facebook page ng DSWD Regional Field Office 5, tatlong pamilya na binubuo ng walong indibidwal ang naapektuhan ng sunog sa Purok 1, Langa, Basud, Camarines Norte noong Hunyo […]

Back To Top