Imbestigasyon laban sa Prime Water sisimulan na sa Kamara

Tuloy na ang imbestigasyon ng House of Representative kaugnay sa irregularidad na ibinibigay na serbisyo ng Prime Water matapos ihain ni Zambales Rep. Jay Khonghun ang House Resolution 22 na humihimok sa imbestigahan ng Kamara ang mga reklamo kaugnay hindi maayos na serbisyo sa Joint Venture Agreement na pinasok ng mga Local Water District at Prime Water Infrastructure Corporation.

Ayon kay Khonghung dapat upang maisulong ang maigting na regulasyon sa pinasok na joint venture ng mga local water districts upang maprotektahan ang publiko mula sa hindi maayos na serbisyo.

Nilinaw din nito na walang halong politika ang isasagawang imbestigasyon dahil matagal na umano itong local issue na idinadaing ng mga consumers sa sistema ng patubig ng Primewater.

Umaasa rin ang mambabatas na sa gagawing investigation in aid of legislation ay matugunan na ang problemeng kinakaharap ng mga consumers at malaman kung bakit hindi nasunod ng Prime ang parte ng mga kasunduan na makapagbigay ng maayos na serbisyo ng tubog at ano ang mga batas na maaring ipasa o amyendahan upang hindi na maulit ang ganitong sitwasyon.

Walar naman umanong nakikitang problema kahit mayroong isinagawang imbestigasyon ng Local Water Utilities Administration o LWUA at kasalukuyan na itong pinag aaralan ng Office of the President.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

2 thoughts on “Imbestigasyon laban sa Prime Water sisimulan na sa Kamara

  1. Ngayon nga Congressman ipagtanggol ninyo ang inyong mga constituents sa problemang ibinigay ng Primewater sa inyong nasasakupan, Saan kayo papabor… sa Prime Water o sa mga taong bumoto sa inyo

    Loading spinner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top