Peoples Day sa kapitolyo ng Camarines Norte tuloy tuloy sa pamamagitan ni Acting Gov Dennis Riel at Provincial Admin Don Padilla

Magkatuwang na hinaharap nina Acting Givernor Dennis Riel at Provincial Administrator Don Eduardo S. Padilla katuwang si Acting Vice Governor Lukad De Lima ang mga Barangay Officials at mga Camnorteñong may sadya o may kagyat na pangangailangan.

Ngayong araw ng lunes pagkatapos lamang ng flag raising ceremony at tuloy-tuloy na ang pagsasagawa ng People’s Day sa Kapitolyo na ang pangunahing layunin ay mapagserbisyuhan ang mga mamamayan.

Katulad nang nakagawian ni Governor Elect Ricarte Dong Padilla ay personal na hinarap ni Acting Governor Riel at Administrator Padilla ang mga barangay officials at mga ordinaryong mamamayan at dinidinig ang hiling at hinaing ng ating mga kababayan.

Kanina ay binigyan din ng pagkilala ng dalawang opisyal ang dalawang Centenarian na binigyan ng tig isang daang libong piso. at pagkatapos ay hinarap naman nito ang nasa 12 punong barangay mula sa bayan ng Mercedes na nagfollow up ng kanilang mga request sa kapitolyo at lahat naman ay positibong tinugunan ng pansamantalang governador.

Loading spinner
Avatar photo
Fiber Glass Fabricator DWSR 94.1 Power Radio (Anchor / Broadcaster)

One thought on “Peoples Day sa kapitolyo ng Camarines Norte tuloy tuloy sa pamamagitan ni Acting Gov Dennis Riel at Provincial Admin Don Padilla

  1. Isang pagpupugay sa Provincial Government of Camarines Norte sa kabila ng pagkalumpo ng administrasyon dahil sa suspension ng gobernador ng lalawigan ay tuloy pa rin ang serbisyo sa pamamagitan ng OIC Governor BM Dennis Riel, Ituloy ang pagseserbisyo sa bayan

    Loading spinner

Leave a Reply to Noel Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top