Sa kabila ng pagpasok ng bagyog Bising sa Philippine Area of Responsibility ay wala na itong direktang epekto sa ating bansa.
Ayon sa State Weather Bureau, ganap na ika-apat ng umaga ang bagyo ay nasa layong 405 km Northwest ng Itbayat, Batanes na may taglay na hangin na malapit sa gitna na umaabot ng 130km/hr at pabugso na 180 km/hr na kasalukuyang gumagalaw pa-northeastboard sa bilis na 25 km/hr.
Wala ng nakataas na tropical cyclone wind signal at hindi na rin magdudulot ng mga pag-ulan si bising sa ating bansa.
Sa kabila nito patuloy naman ang pag-iral ng hanging habagat, makakaranas pa rin nang mataas na tiyansa ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon, Western Section ng Visayas at Mindanao.

