Category: Balitang Bikolnon

Lalaking akusado sa kasong consented abduction huli sa Jose Panganiban

Jose Panganiban, Camarines Norte – Naaresto ng mga operatiba ng Jose Panganiban Municipal Police Station ang isang 45-anyos na lalaki sa bisa ng warrant of arrest sa isinagawang intelligence-driven operation kaninang umaga, Abril 8, 2026. Kinilala ang naarestong si Alyas Rico, 45 taong gulang, may asawa, isang construction worker at residente ng Brgy. Nakalaya, Jose […]

Inagurasyon ng International Seaport sa Jose Pangaiban nalalapit na

Camarines Norte – Ibinahagi ni Governor Dong Padilla sa mga mamamayan ang isang napakahalagang yugto para sa lalawigan ng Camarines Norte, ito ay ang nalalapit na inagurasyon ng International Seaport sa Jose Panganiban. Ayon sa Gobernador, ang nasabing pasilidad ay matagal ng pinapangarap ng probinsya, kaya naman mula pa, sa simula ay sinikap niyang tutukan […]

Big Time Price Hike sa gasolina tuloy pa rin

Batay sa early estimate mula sa mga nakalipas na trading day, inaasahang tataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa. Ang gasolina ay posibleng magkaroon ng dagdag na humigit-kumulang P6.20 kada litro, habang ang diesel ay tinatayang tataas ng halos P20.00 kada litro. Samantala, ang kerosene ay maaaring tumaas ng humigit-kumulang P13.00 kada […]

Simple at Murang Graduation at Moving Up ipinag-utos ng Department of Education

Naglabas ng kautusan ang Department of Education (Deped) sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa na magsagawa ng simple at murang graduation at moving-up ceremonies para sa Taong Panuruan 2025-2026 bilang tugon sa tumataas na gastusin sa transportasyon at presyo ng mga bilihin. Ang naturang kautusan ay nakapaloob sa Deped Memorandum No 15 s. 2026 […]

2 Araw na Tigil Pasada kasado na ngayong Marso 26 – 27, 2026

Panibagong tigil pasada ang isasagawa ng ilang mga transport group sa bansa sa darating na Marso 26 – 27 ngayong buwan ng Marso, 2026. Ayon kay MANIBELA President Mar Valbuena ang naturang kilos protesta ay lalahukan ng mga jeepney drivers, ride hailing services, UV Express, Motorcycle taxis at truckers group. Lahat umano ng mga ito […]

28 Mga Senior Citizens na Edad 90 taong gulang tumanggap ng tig-90 Libong Piso mula sa Pamahalaang Panlalawigan

Labis labis ang kasiyahan ng 28 mga senior citizens na edad siyamnapung taong gulang dahil sa nakatanggap sila ng tig-90 libong piso(90K) tulong pinansyal mula sa pamahalaang panlalawigan batay sa inaprubahang ordinansa na pangunahing isinulong ni Bokal Winnie Balce Oco. Nitong Lunes, Marso a-disisais sa pangunguna nina Acting Governor Joseph Ascutia at Board Member Oco […]

Dalawang Senior Citizens sa Bayan ng Mercedes tumanggap ng Cash Incentive na Php 90K at 50K

DALAWANG SENIOR CITIZENS SA BAYAN NG MERCEDES TUMANGGAP NG CASH INCENTIVE NA P90,000 AT P50,000. Sa bisa ng Expanded Centenarian Act o ang Republic Act 11982 na isinabatas noong February 26, 2024 tumanggap ng Cash incentive na halagang Php90,000 si Lolo ELIAS DATA MARCAIDA mula sa Barangay Manguisoc sa pag sapit nito sa edad na […]

Panukalang magbibigay kapangyarihan kay PBBM na suspendihin ang excise tax sa langis, aprubado na sa Kamara

Inaprubahan na ng House of Representatives of the Philippines sa 3rd and final reading ang House Bill No. 8418, na magbibigay kapangyarihan kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pansamantalang bawasan o suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo kapag may pambansa o pandaigdigang krisis sa ekonomiya. Nakakuha ang panukala ng 247 boto pabor, tatlong […]

DepEd magpapatupad ng 4 Day on Site Work para sa mga Non-Teaching Personnel, Mga Guro hindi sakop ng Direktiba

Magpapatupad ang Department of Education ng 4 Day on Site Work para sa kanilang mga empleyado bilang pagtugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na magtipid sa paggamit ng enerhiya sa gitna ng tensiyon sa bahagi ng Middle East. Sa Deped Memorandum na inilabas ni Sec Sonny Angara itinalaga ang araw ng biyernes bilang […]

Back To Top