45 Anyos na lalaki, Arestado sa Illegal na Baril at Droga sa Bayan ng Paracale

PARACALE, Camarines Norte – Arestado ang isang Street Level Individual matapos ang isinagawang Anti-Illegal Possession of Firearms Operation ng pinagsanib na pwersa ng Paracale Municipal Police Station, Camarines Norte Provincial Drug Enforcement Unit, Camarines Norte Police Intelligence Unit, at Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA Regional Office V, sa Purok 1, Brgy. Tugos, Paracale, Camarines Norte noong Mayo 10, 2026 bandang alas-5:40 ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “lEON,” 45 taong gulang, biyudo, gold panner, at residente ng Brgy. Luklukan Norte, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Batay sa ulat, nakabili ang poseur buyer ng isang hinihinalang Caliber .45 pistol na may kasamang magazine at tatlong piraso ng live ammunition mula sa suspek dahilan upang agad itong arestuhin.

Bukod sa baril, nakumpiska rin sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 2.35 gramo at halagang humigit-kumulang Php15,980.00.
Nasamsam din sa operasyon ang buy-bust money, ilang piraso ng boodle money, at isang kulay itim na sling bag.

Isinagawa ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa harap ng mga mandatory witnesses kabilang ang media representative at isang barangay official ng Brgy. Tugos.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Paracale MPS ang suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Source: CNPPO

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top