PRC Mobile Service, Nakatakdang Isagawa sa SM City Daet, Camarines Norte sa Loob ng Tatlong Araw

Inanunsyo ni Bokal Rodolfo “Pol” Gache, Chairman ng Sangguniang Panlalawigan Committee on Public Utilities, ang nakatakdang pagsasagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) Mobile Service sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong buwan.

Ang naturang aktibidad ay gaganapin sa loob ng tatlong araw, mula Enero 26, 27, hanggang 28, 2026, sa SM City Daet. Inaasahang magsisimula ang mga transaksiyon mula umaga hanggang hapon sa mga nasabing petsa.

Ang inisyatibong ito ay bunga ng resolusyong inihain ni Bokal Gache, katuwang sina Board Members Renee Herrera at Arnulfo Balane.

Layunin ng programa na mailapit ang mga serbisyo ng PRC sa mga taga-Camarines Norte upang hindi na kailanganin pang magbiyahe ng malayo patungo sa mga opisina nito sa Lucena City o Legazpi City.

Narito ang mga serbisyong maaaring availed ng mga propesyonal sa gagawing mobile service:

  • Initial Registration: Pagpapatala ng mga bagong propesyonal.
  • Renewal at Duplication ng Professional Identification Card (PIC): Pagpapabago o pagkuha ng kopya ng lisensya.
  • Application for Licensure Examination: Pag-apply para sa mga board exams.
  • Issuance of Certifications at Authentication: Pagpapatunay ng mga dokumentong inisyu ng PRC.
  • Issuance of Certificate of Good Standing.
  • Application for Special Temporary Permit (STP) at Temporary Training Permit (TTP).
  • Renewal ng ASEAN Chartered Professional Identification Card.
  • At Iba pang PRC-related services.

Pinapayuhan ang mga kukuha ng serbisyo na ihanda ang kanilang mga dokumento at bumisita sa opisyal na website ng PRC para sa mga karagdagang anunsyo at slot reservation kung kinakailangan.

Loading spinner
Avatar photo
Radyo Pilipinas | Anchor and Commentator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top