Labis labis ang kasiyahan ng 28 mga senior citizens na edad siyamnapung taong gulang dahil sa nakatanggap sila ng tig-90 libong piso(90K) tulong pinansyal mula sa pamahalaang panlalawigan batay sa inaprubahang ordinansa na pangunahing isinulong ni Bokal Winnie Balce Oco.
Nitong Lunes, Marso a-disisais sa pangunguna nina Acting Governor Joseph Ascutia at Board Member Oco sa isang seremonya sa lobby ng Provincial Capitol building ay isinagawa ang kauna-unahang pamamahagi sa mga nonagenarians ng mga tseke na nagkakahalaga ng 90 libo alinsunod sa Provincial Ordinance no. 08-2025 na may titulong “An Ordinance Awarding and Granting Financial Assistance to Nonagenarians of Camarines Norte; Providing Funds Therefor, and For Other Purposes”.
Batay sa section 4 ng naturang ordinansa kabilang sa mga kuwalipikasyon ng mga magiging benepisyaryo ng naturang financial assistance bukod sa pagiging siyamnapung taong gulang ay dapat residente ng lalawigan sa loob ng limang taon at kumpleto ng mga kinakailangang dokumento partikular ang birth certificate.
Bukod sa mga nobenta anyos ang edad na mga senior citizens tumanggap naman ng isang daang libong piso(P100K) mula sa provincial government ang centenarian na si Lola Eladia De Mesa y Austria ng Napilihan, Vinzons.
Bukod pa ito sa isang daang libong piso na ibinibigay ng pambansang pamahalaan sa mga mamamayan na umaabot ng isang daan taon ang edad.
Bukod sa 28 mga nonagenarians at isang centenarian, binigyan din ng 50 libong pisong(50K) tulong pinansiyal ang isangdaan at isang taong gulang na si Lola Dolores Eboña y Averia ng Manguisoc, Mercedes batay sa ordinansa na iniakda rin ni Bokal Oco na nag-aatas na bigyan ng karagdagang 50 libong piso ang sinumang CamNorteño na umaabot sa 101 years old.
Ang mga pagbibigay ng financial assistance na ito mga lolo at lola sa probinsya ay patunay lamang na seryoso ang administrasyon nina Governor Ricarte Dong Padilla at Acting Governor Joseph Ascutia sa pagbibigay ng dagdag na benepisyo sa mga senior citizens sa lalawigan na nangangailangan ng tulong at kalinga ng pamahalaan.
Naniniwala si Bokal Oco na ang naturang mga financial assistance para sa mga senior citizens ay magsisilbing inspirasyon upang pangalagaan ng mga ito ang kanilang mga kalusugan upang makaabot sa naturang mga edad

