Pagkakatalaga kay Transportation Secretary Vince Dizon Bilang bagong DPWH Secretary suportado ng Senado

Nagpahayag ng pagsuporta ang pamunuan ng Senado sa pagkakatalaga ni Transportation Secretary Vince Dizon Bilang bagong DPWH Secretary matapos ang pagbibitaw sa puwesto ni Sec. Bonoan.

Ayon kay Senate President Chiz Escudero, handa umano nilang suportahan si Dizon at ipinagdasal din nito na magtagumpay ito bilang Secretary ng kagawaran at matuldukan nito ang kasalukuyang problemang kinakaharap nito.

Pinuri naman ni Sen. Jinggoy Estrada ang pakakatalaga nito dahil maganda umano ang record na pinakita nito nung siya ay nasa tanggapan ng DOTr.

Gayunpaman ay ikinalungkot naman nito ang pagbibitiw ni Sec Bonoan dahil maganda naman umano ang record nito nung siya ay nasa mababang puwesto ng departmento hanggang siya ay maging Secretary ng DPWH.

Ilan ding senador ang nagpahayag ng kanilang suporta at inaasahan umano nila ang pagbabago at matapos na ang anomalyang kinakaharap nito.

Matatandaan nasa Hot Seat ngayon ang DPWD dahil sa nabulgar na Ghost Flood Control Project na pinangangasiwaan nito.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top