Provincial Most Wanted Person ng Angeles City Police, Nadakit sa Vinzons, Camarines Norte

Naaresto ng mga operatiba ng Vinzons Municipal Police Station, sa pakikipag-ugnayan sa Police Station 5, Angeles City Police Office (CPO), at Regional Intelligence Unit 3 CIT Angeles, Pampanga, ang isang lalaking nakatala bilang Rank No. 9 Provincial Most Wanted Person ng Angeles CPO, Pampanga, nitong Hunyo 2, 2026, bandang alas-9:30 ng umaga sa Barangay Napilihan, Vinzons, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong indibidwal sa alyas na “Ren” 44 taong gulang, binata, at residente ng nasabing barangay.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Theft sa ilalim ng Criminal Case No. R-ANG-24-02088-CR na inilabas noong Agosto 19, 2024. Itinakda ng hukuman ang inirerekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado sa halagang ₱40,000.00.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Vinzons MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago ang turnover sa korte na naglabas ng nasabing warrant.

Source: CNNPPO

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top