Month: September 2025

Dagdag bawas sa presyo ng petrolyo pinatupad na ngayong araw

Ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang dagdag-bawas sa pressyo ng kanilang produktong petrolyo base na rin sa itinalaga ng Department of Energy. Kaninang alas-6 ng umaga ipinatupad ang P0.20 na bawas presyo sa kada litro ng gasolina samantalang may P.0.90 namang dagdag kada litro ng kerosene ganun din ang diesel ay mayroong P0.90 kada […]

13 Milyong halaga ng Appliances Kinumpiska ng DTI

Kumpiskado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mahigit 3,000 na uncertified na mga home appliances sa isinagawang operasyon nito laban sa mga sub-standard electrical appliances sa bansa. Ang naturang operasyon ay isinagawa sa isang bodega sa Bulacan na kung saan umaabot sa Php 13.2 milyong halaga ng mga appliances ang nakumpiska nito na […]

Kasapi ng CTG, Boluntaryong Sumuko sa Prieto Diaz, Sorsogon

Sa patuloy na pagpapatupad ng kampanya laban sa insurhensiya, isang kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Prieto-Diaz, Sorsogon, bandang alas-10:00 ng umaga ngayong Setyembre 21, 2025. Kinilala ang surrenderee na si alyas “Nerio”, 62 taong gulang, may asawa, magsasaka. Siya ay miyembro ng KLG1, SRC3, BRPC, at Non-PSR […]

Walang Pasok | September 30, 2025

MANILA, Philippines – Ilan sa mga local government unit ay nagpalabas ng local suspension of classes ngayong araw ng Martes, September 30, 2025 sanhi ng patuloy na pagsasaayos ng mga inprastrakturang nasira ng nagdaang bagyo. Several local government units (LGUs) have announced the suspension of classes on Tuesday, September 30, 2025, due to the aftermath […]

Bagyong Opong, muling lumakas habang nasa West Philippine Sea

Muling lumakas ang bagyong Opong habang nasa West Philippine Sea. Ayon sa pinakahuling ulat, tinatayang nasa 505 kilometro kanluran ng Indang, Cavite ang sentro ng bagyo. May taglay itong pinakamalakas na hangin na umaabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugso ng hangin na hanggang 150 kilometro kada oras. Patuloy itong kumikilos pa-kanluran […]

Apat katao patay sa pananalasa ng bagyong Opong sa Bicol Region

Apat katao ang namatay matapos ang pananalasa ng bagyong #OpongPH sa Rehiyong Bicol batay sa ulat ng NDRRMC ngayong araw ng Biyernes September 26, 2025. Tatlo sa naturang biktima ay mula naman sa probinsiya ng Masbate, Isa sa Masbate City, isa ang nabagsakan ng puno, isa ang namatay matapos mabagsakan ng poste at isa naman […]

Bagyong Opong, bahagyang humina habang nanalasa sa Bicol region

Bahagyang humina na ang bagyong Opong at ngayon ay isa nang severe tropical storm mula sa pagiging typhoon matapos itong mag-landfall sa Eastern Visayas. Ito ay habang tinatahak niya ang bahagi ng Masbate sa Bicol region. Ayon sa pinakahuling ulat, namataan ang sentro ng bagyo sa may Palanas, Masbate. Taglay nito ang lakas na hangin: 110 […]

Lakas ng bagyong Opong hindi nagbago matapos maglandfall sa Eastern Samar

Nag-landfall na ang bagyogn Opong sa San Policarpio, Eastern Samar at patuloy na binabayo ang Eastern Visayas. Base sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Catubig, Northern Samar. Nagtataglay pa rin ito ng lakas ng hangin na aabot sa 120 kilometers per hour […]

Nagpanggap na gma mediamen upang mangutong, arestado sa bayan ng Jose Panganiban

Limang katao ang naaresto ng mga operatiba ng Jose Panganiban Municipal Police Station matapos ang isinagawang entrapment at hot pursuit operation kaugnay ng kasong robbery extortion, gabi ng Setyembre 23, 2025. Ayon sa report, bandang alas-11:50 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang himpilan ng Jose Panganiban MPS mula sa isang biktima hinggil sa ginawang pangingikil […]

Back To Top