Sec Teodoro ng DND, Sumulat sa Pangulo hinggil sa Nationwide Suspension na inilabas ng DILG

Isang liham mula sa Department of National Defense (DND) na may petsang Agosto 31, 2025, na pirmado ni Secretary Gilberto Teodoro Jr. na siya ring Chairman ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang ipinadala sa Pangulo at inirekomenda rito na ipasa sa mga lokal na pinuno (local chief executives o LCEs) ang kapangyarihang magpasya sa suspensyon ng klase at trabaho sa gobyerno.

Ang rason: ang mga panganib ng ulan at baha ay karaniwang nakapokus lamang sa partikular na lugar, kaya mas angkop na ang LCEs ang magpasya dahil mas batid nila ang aktuwal na sitwasyon sa kanilang nasasakupan.

Layunin ng mungkahi ng DND na tugunan ang problema sa “one-size-fits-all” na direktiba, na madalas magpatigil ng pasok kahit sa mga lugar na walang pinsala o masamang panahon. Sa pamamagitan ng mas decentralized na pamamaraan, mas maiiwasan ang sobrang abala sa ekonomiya at sa pag-aaral.

Sa kabila nito, naglabas pa rin si Secretary Jonvic Remulla ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng isang nationwide suspension ngayong araw, Setyembre 1, 2025.

May posibilidad na hindi pinansin ang rekomendasyon. Maaaring pinili ng DILG ang centralized approach para masiguro ang kaligtasan ng lahat, kahit may abala. Ito ay maaaring senyales ng hindi pagkakaunawaan sa polisiya.

O posible ring hindi pa nakarating kay Remulla ang dokumento bago siya naglabas ng kautusan na sumasalamin sa kakulangan ng mabilis na komunikasyon sa gobyerno.

Sa inilabas na liham ng NDRRMC, nawa’y ito na ang huling pagkakataon na maglalabas ng blanket suspension ang DILG. Mas makakabuti na pakinggan at sundin ang NDRRMC na tunay na nakakaalam ng tamang datos at sitwasyon.

Mangyayari lamang ito kung ikokonsidera ng Pangulo ang rekomendasyon at pagsasabihan si Secretary Remulla na umayon dito para maiwasan ang kalituhan at masiguro ang maayos na koordinasyon ng pamahalaan.

source: Sherwin Asis FB Account

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top