LABO, CAMARINES NORTE — Matagumpay na naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Labo Municipal Police Station (MPS), Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CN PIU), at Camarines Norte 2nd Provincial Mobile Force Company (CN 2nd PMFC) ang isang Other Wanted Person (OWP) sa bisa ng warrant of arrest bandang alas-8:05 ng umaga nitong Oktubre 7, 2026 sa Barangay Bagacay, Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang naarestong akusado sa alyas “Dy,” 47-anyos, at residente ng nasabing lugar. Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9175 o Chainsaw Act of 2002 at Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.
Ang mga warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Annalie Thomas Velarde, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 64, Labo, Camarines Norte, na may inirekomendang piyansa na ₱50,000.00 para sa paglabag sa RA 9175 at ₱30,000.00 para sa paglabag sa PD 705.
Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang akusado sa Labo MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon alinsunod sa umiiral na batas at mga pamamaraan.
Hinikayat ng Camarines Norte Police Provincial Office ang publiko na patuloy na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon sa kapulisan hinggil sa mga taong may kinakaharap na kaso o warrant of arrest.

