Dalawang Senior Citizens sa Bayan ng Mercedes tumanggap ng Cash Incentive na Php 90K at 50K

DALAWANG SENIOR CITIZENS SA BAYAN NG MERCEDES TUMANGGAP NG CASH INCENTIVE NA P90,000 AT P50,000.

Sa bisa ng Expanded Centenarian Act o ang Republic Act 11982 na isinabatas noong February 26, 2024 tumanggap ng Cash incentive na halagang Php90,000 si Lolo ELIAS DATA MARCAIDA mula sa Barangay Manguisoc sa pag sapit nito sa edad na 90 years old matapos na ito ay ipinanganak noong Nobyembre 23, 1935.

Ayon sa RA 11982 sinumang Filipino Citizens na umabot sa edad 80, 85, ay bibigayan ng P10,000 samantala kapag edad 90, – P90,000 at pag edad 100 – Php100,000.

May karagdagang Php50,000 sa mga susunod na taon halimbawa aabot ng 101 gaya na lamang ni Lola DOLORES AVERIA EBOÑA ng Brgy. Manguisoc na ipinanganak noong Nobyembre 20, 1924 . Bagamat siya ay pumanaw na noong Pebrero 12, 2026 ay qualified pa rin sya. Ang P50,000 na insentibo ay ipinagkaloob sa kaniyang anak na si Mrs. Marina Eboña Quinoñes.

Ang aktibidad ay sinaksihan ni LGU Mercedes MSWDO Annie Baynas Kasama si OSCA Head Gloria Ilagan, at G. Alfredo Era Federation President.

Isinagawa ito sa Provincial Capitol Building, Marso 16, 2026.

*( Si Lola Dolores ay dati nang nakatanggap Ng P100, 000 noong 2024 gaya ng nasa larawan kasama c Mayor ALEX.)

Congratulations Lola Dolores at Lolo Elias.

📸: MSWDO & PSWDO

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top