Maituturing umanong isang kahihiyan sa boung mundo ang pagkakaroon ng impeachment complaints laban sa dalawang mataas na opisyal ng bansa. Ito ang naging pahayag ni Senate President Vicente Sotto matapos maghain ng impeachment complaints ang ilang grupo laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matatandaan nitong nakaraang taon ilang impeachment complaint ang natanggap ng tanggapan ng Lehislatura laban kay Vice President Sara Duterte at ngayong taon naman ay paghahain ng impeachment laban sa pangulo ng bansa.
Ayon pa kay Sotto ito ay maaring makaapekt sa imahe ng ating bansa subalit tiniyak naman niya na kanilang tatalakayun ang impeachment kapag nakarating na ito sa Senado dahil magsisilbing impeachment court ang senado sa mga isinasampang impeachment complaints

