Babae natagpuang Patay sa Bahagi ng Bagasbas Beach Daet Camarines Norte

Wala ng buhay ng abutan ng Philippine National Police ang isang babae na napaulat na nakitang nakalutang sa bahagi ng Bagasbas Beach sa bayan ng Daet.

Ayon sa kapulisan dakung 6:05 ng umaga habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang CPAC 2 bilang regular nilang gawain sa kabahaan ng Cory Aquino Boulevard, Brgy Bagasbas Daet, Ccamarines Norte ay nakita umano nila ang isang babaeng nakadapa sa baybayin na pinaniwalaang wala ng buhay.

Matapos ang nasabing ulat kaagad namang nagresponde ang kapulisan at kaagad itong dinala sa Camarines Norte Provincial Hospital at dineklarang Dead On Arrival ng Doktor.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng babae at hinihingi ng mga kapulisan ang kooperasyon ng publiko upang mabilis na malutas ang kaso.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top