Basud, Camarines Norte — Magkasunod na naaresto ng Basud Municipal Police Station (BMPS), katuwang ang 503rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 5, ang dalawang Other Wanted Persons (OWP) noong Enero 24, 2026 bandang alas-8:50 ng gabi at alas 9:45 ng gabi ng. Enero 24, 2026 sa magkahiwalay na Purok ng Barangay San Felipe, Basud, Camarines Norte.
Ang mga naaresto ay sina alyas Marlo, 42 taong gulang, binata, peryante, at alyas Nold, 56 taong gulang, may asawa, peryante, parehong residente ng Bayan ng Basud, Camarines Norte.
Sila ay inaresto ng DTP Tracker Team ng BMPS at ng mga tauhan ng 503rd MC RMFB5 sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa PD 1602, na may inirerekomendang piyansa na ₱24,000.00 bawat isa.
Ang mga naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Basud MPS para sa dokumentasyon at wastong disposisyon bago ibalik sa hukuman ng pinagmulan.
Patunay ito sa patuloy na pagsisikap ng Basud PNP na tugisin at hulihin ang mga wanted persons upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Source: Basud Municipal Police Station

