Budget Hearing ng 2.9 Bilyong Piso 2026 Executive Budget itinakda na

Itinakda na ng Sangguniang Panlalawigan ang schedule ng budget hearing ng 2.9 bilyong pisong 2026 Executive Budget(P2,974,373,397.00) na ilalaan sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaang panglalawigan para sa susunod na taon.

Batay sa schedule na ibinigay ni Bokal John Carlo Lukad Villafuerte De Lima, chairman ng SP Committee on Finance, magsisimula ang pagtalakay sa budget ng ibat-ibang opisina ng provincial government simula October 27(buong araw) , October 28(kalahating araw)at October 29(buong araw).

At ipagpapatuloy ang budget hearing sa November 3, araw ng Lunes at November 4 para sa wrapping up kung saan posibleng muling ipatawag ang ibang mga opisina para sa pinal na pagrepaso(final review) ng kanilang mga budget at para sa ibang tanggapan na hindi natapos ang budget hearing o nabigong dumalo sa mga itinakdang schedule.

Layunin ng ipinalabas na schedule na maabisuhan ang mga hepe ng ibat-ibang tanggapan na huwag magkakaroon ng biyahe(out-of-town travel) sa itinakdang araw ng budget hearing ng kani-kanilang opisina.

Mahigpit ding pinipigilan ang pagkakaroon ng mga proxy o kinatawan ng mga head of office sa gagawing pagtalakay sa mga pondo ng bawat opisina ng pamahalaang panlalawigan.

Pinaalalahanan din ni Bokal De Lima ang mga head of offices na dalhin ang kanilang mga budget proposal na sadyang kailangang kailangan sa nabanggit na pagtalakay ng pondo para sa susunod na taon.

Nakapaloob din sa naturang schedule na dapat presente sa buong panahon ng budget hearing ang Gobernador o kinatawan nito gayundin ang Provincial Budget Officer, Provincial Treasurer, Provincial Accountant at Acting Provincial Planning and Development Officer dahil mahalaga at magkakaugnay na tungkulin na kanilang ginagampanan sa pagtalakay at pag-aapruba ng executive budget.

Loading spinner
Avatar photo
Radyo Pilipinas | Anchor and Commentator

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top