Dumulog sa tanggapan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang mahigit 86 na biktima ng pang-aabuso ng ilang Online Lending Applications. Alas sais pa lamang ng umaga ay dumating sa kanilang tanggapan ang mga biktimang nakaranas ng pagbabanta o pananakot mula sa mga online lending applications upang magsumite ng kanilang sinumpaang sanaysay.
Ayon sa PAOCC malinaw na paglabag sa data privacy act, lending regulations at human dignity ang pamamaraan ng mga OLAs upang sila ang makapaningil ng pagkakautang ng kanilang kliyente, kabilang na dito ang public shaming, doxing, coercive messaging at pagbabanta.
Nakiisa din ang United OLA Victoms Movement (UOVM) sa sabayang pagsasampa ng reklamo. Ang UOVM ay isang civil society organizatin na pinamumunuan ni Kikay Bautista na tumutulong at gumagabay sa mga biktoma ng online lending harassment.
Sa kaugnay na balita, inihayag naman ni USEC Gilberto Cruz na ang pagdagsa ng mga bagong reklamo ay malinaw na tanda na mas maraming Pilipino ang nagpapasya nang ipaglaban ang kanilang karapatan at labanan ang pang-aabuso.
Sa kanilang pagtala ay umaabot na sa 150 pormal na reklamo ang inaasahan nilang darami pa ito habang dumarami ang mga biktima na nagsusumbong.

