Tatlo arestado sa Buy Bust Operation ng PDEA at PNP ng Mercedes, Drug Den Nalansag

Mercedes, Camarines Norte – Nalansag ang isang drug den at arestado ang tatlong habang nakaaktuhan gumagamit ng droga, kabilang ang isang high-value target sa isang matagumpay na buy-bust operation nitong Setyembre 17, 2025, dakong alas 3:00 ng hapon, sa Brgy. San Roque sa Mercedes, Camarines Norte.

Ang operasyon ay pinangungunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Camarines Norte Provincial Office, kasama ang Mercedes Municipal Police Station (MPS) at PNP Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit (SOU) Region 5.

Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 13 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php 81,600.00, kasama ang mga drug paraphernalia tulad ng aluminum foils, improvised tooters, lighters, at marked buy-bust money.

Ang mga naaresto sa operasyon ay kinilalang sina alias “Caloy”, 69 na taong gulang, na kilala bilang may-ari ng drug den at subject ng buy-bust; alias “Ron-Ron”, 19, bisita ng drug den; at alias “Ed”, 31, bisita rin ng drug den.

Sinampahan ang mga naaresto ng kasong paglabag sa mga Seksyon 5, 6, 7, 13, at 14, Artikulo II ng RA 9165 o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Loading spinner
Avatar photo
Fiber Glass Fabricator DWSR 94.1 Power Radio (Anchor / Broadcaster)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top