Pasok sa mga paaralan at pampublikong opisina sinuspende ng malakanyang

Sa Bisa ng Memorandum Circular no. 96 mula Palasyo ng Malakanyang ay sinususpende ang trabaho sa mga pampublikong opisina at maging sa mga paaralan mula 1:00 ng hapon ng September 22, 2025 upang bigyang daan ang pagdiriwang ng 33rd National Family Week na naglalayong magkasama-sama ang boung pamilya sa hapag-kainan.

Ang National Family Week sa ating bansa ay pinasimulan noong September 28, 1992 sa pamamagitan ng dating pangulong Fidel V. Ramos matapos itong maglabas ng Proclamation No. 60 na nagtatalaga na ang last week ng September bilang Family Week upang kilalanin ang Pamilyang Pilipino na may malaking papel sa pagpapalakas ng ating bansa.

Layunin din nitong mabuksan ang kaisipan ng bawat isa sa kahalagahan ng isang pamilya sa kumunidad at patatagin ang relasyon ng bawat pamilya para sa ikakaunlad ng bayan.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top