TERESA, RIZAL— Nasawi ang isang 30-anyos na ama matapos pagbabarilin malapit sa isang paaralan sa Barangay Prinza nitong Huwebes ng hapon, Hulyo 16. Ayon sa mga ulat, susunduin sana ng biktima ang anak nang mangyari ang insidente sa tapat mismo ng paaralan. Mabilis siyang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan pero idineklara ring dead on arrival. […]

