Naga City – Patay ang isang lalaki matapos nitong barilin ang kanyang sarili sa loob mismo ng simbahan ng San Francisco Church sa Naga City nitong araw ng linggo, January 29, 2025.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 8:10 ng gabi, ilang sandali matapos ang banal na misa ay umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril sa loob mismo ng simbahan.
Ang biktima ay patuloy na inaalam ang pagkakilanlan nito ay pinaniniwalaang winakasan nito ang sariling buhay.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang alamin ang boung detalye sa likod ng insedente.

