Day: June 30, 2025

KADIWA ng Pangulo Inilunsad sa Camarines Norte Provincial Office

Matagumpay na naipatupad ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) ang KADIWA ng Pangulo (KNP) sa Kampo para sa Masaganang Bagong Pilipinas, na ginanap sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr., Brgy. Dogongan, Daet, Camarines Norte. Ang nasabing aktibidad ay nagtampok ng 16 exhibitors mula sa iba’t ibang organisasyon at mga asosasyon ng magsasaka na akreditado […]

BM Dennis Riel, Nanumpa na sa katungkulang bilang Acting Governor ng lalawigan ng Camarines Norte

Pormal ng nanumpa sa kanyang panunungkulan bilang acting Governor si Senior Board Member Dennis Riel sa harapan ni Judge Evan Dizon ng Regional Trial Court Branch 40 nitong nakalipas na Hunyo a-30. Ang panunumpa sa panunungkulan ni Riel bilang acting Governor na sinaksihan ni Atty. Archim Yanto ay bilang pagtalima sa rule of succession kaugnay […]

Nawawalang Mangingisda sa Mercedes, Natagpuang wala ng buhay sa karagatan ng Siruma, Camarines Sur

Isang 37-anyos na mangingisda ang natagpuang wala nang buhay sa karagatang sakop ng Siruma, Camarines Sur, matapos umanong mahulog mula sa sinasakyang bangka habang nangingisda sa laot ng Mercedes, Camarines Norte, humigit-kumulang dalawang milya sa likod ng Canimog Island. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:00 ng hapon noong Hunyo 28, 2025, ay nawawala na […]

8 Dating Rebelde sa Sorsogon, Nakatanggap ng 100K Financial Assistance

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang walong dating rebelde sa Sorsogon upang suportahan ang kanilang pagbalik-loob sa pamahalaan at itaguyod ang pangmatagalang kapayapaan sa lalawigan, sa bagong pinasinayaan na Sorsogon City Police Office, Brgy. Cabid-an, nitong Hunyo 29. Nagkakahalaga ng P100,000 ang natanggap ng bawat rebelde sa pangunguna ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicola […]

DSWD-BICOL, Naghatid ng Agarang tulong sa mga nasunugan sa Brgy Langga Basud, Camarines Norte

Camarines Norte – Naghatid ng agarang tulong ang Department of Social Welfare and Development-Bicol sa tatlong pamilyang nasunugan sa bayan ng Basud, Camarines Norte. Ayon sa official Facebook page ng DSWD Regional Field Office 5, tatlong pamilya na binubuo ng walong indibidwal ang naapektuhan ng sunog sa Purok 1, Langa, Basud, Camarines Norte noong Hunyo […]

Pagkaalkalde ni Alice Guo sa Bamban, Tarlac, pinawalang bisa ng Manila RTC

Ipinawalang bisa ng Korte ang pagiging alkalde ni Alice Guo sa Bamban, Tarlac matapos mag labas ng desisyon si Judge Liwliwa S. Hidalgo noong Hunyo 27, 2025. Pinaburan ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 34 ang quo warranto petition ng office of the solicitor general laban kay Guo dahil siya ay walang kaduda-dudang Chinese […]

Back To Top