8 Dating Rebelde sa Sorsogon, Nakatanggap ng 100K Financial Assistance

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang walong dating rebelde sa Sorsogon upang suportahan ang kanilang pagbalik-loob sa pamahalaan at itaguyod ang pangmatagalang kapayapaan sa lalawigan, sa bagong pinasinayaan na Sorsogon City Police Office, Brgy. Cabid-an, nitong Hunyo 29.

Nagkakahalaga ng P100,000 ang natanggap ng bawat rebelde sa pangunguna ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicola Torre III kasama sina PRO5 Regional Director PBGen Andre Dizon, Senator Chiz Escudero, Governor Edwin Hamor, Mayor Ester Hamor at Representative Dette Escudero.

Bahagi ng tulong pinansyal ay ang livelihood assistance, skills training, psychosocial support, at community-based rehabilitation na naglalayong bigyan ang mga ito ng pagkakataong mamuhay ng mapayapa at produktibong buhay sa loob ng kanilang mga komunidad.

Courtesy: SPPO | Ako Bicol TV

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top