Pacquiao at Barrios tuloy na ang laban matapos pumasok ang kanilang timbang sa weigh in na isinagawa

Tuloy ang laban, ito ay matapos na kapwa pumasok sa welterweight limit na 147 pounds sina Pinoy Boxing Manny Pacquiao at American Boxer Mario Barrios.

Sa weigh-in nitong araw ng Sabado ng umaga sa Las Vegas at tumimbang si Pacquiao ng 146.8 habang si Barrios ay mayroong 146.2 pounds.

Sa pagtaya ng boxing association itinuturing na ito ang pinakamabigay na timbang ni Pacquiao mulang noong ikaapat na paghaharp niya kay Juan Manuel Marquez noong December 2012.

Itinuturing na ito na ang pinakamabigat na timbang ni Pacquiao mula noong ikaapat na paghaharap niya kay Juan Manuel Marquez noong Disyembre 2012.

Huling lumaban si Pacquiao ay noong 2021 ng talunin siya ni Yordenis Ugas sa pamamagitanng unanimous decision.

Habang ang 30-anyos na si Barrios ay huling lumaban noong Nobyembre ng nakaraang taon sa pamamagitan ng 12-round split draw laban kay Abel Ramos.

Si Pacquiao ay mayroong 62 panalo, walong talo at dalawang draw na mayroong 39 knockouts habang ang 30-anyos na American boxer na si Barrios ay mayroong 29 panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong 18 knockouts.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top