Di pa man nakakaalis ng bansa si Emong ay pumalo na sa 12 katao ang naitalang naisawi kasama na dyan ang mga naging biktima ng magkasunod na bagyong Crising at Dante na sinabayan naman ng habagat.
Sa kasalukuyan ay pinaghahanap pa ang walong katao na nawawala batay na rin sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Maliban sa 12 kataong nasawi ay patuloy pa rin ang kanilang ginagawang kumpirmasyon sa 10 pang katao na naiulat na nasawi.
Samantala umaabot naman sa 765,869 pamilya ang naiulat na naapektuhan ng nasabing sama ng panahon at nasa 40,487 na pamilya naman ang pansamantalang nailikas sa mga evacuation center,
Umabot naman sa mahigit Php 366.3 milyon ang damyos sa agrikultura kung saan ang MIMAROPA regin ang may pinakamaraming naitalang damyos.
Isinailalim na rin sa state of calamity ang Metro Manila kabilang ang 40 lungsod at munisipalidad sa anim na rehiyon.
Nakapagbigay na rin ng P181.4 milyon na halaga ng tulong ang gobyerno sa mga apektado ng bagyo.
Nagpapatuloy pa rin ang NDRRMC na nakikipag-ugnayan sa mga lugar na sinalanta dahil sa bagyo.

