Youth Against Kurakot Camarines Norte Handang Handa na para sa Pagsasagawa ng isang Kilos Protesta laban sa katiwalian

Malawakang Kilos-Protesta ang sabay sabay na isasagawa bukas September 21,2025 sa ibat ibang panig ng bansa at dito sa Camarines Norte kasado na rin ang isang pagkilos na pinangungunahan ng mga kabataang bumubuo ng Youth Againts Kurakot – Camarines Norte para kondinahin ang korapsyon sa pamahalaan.

Bukas araw ng Linggo, sa ganap na alas-3 ng hapon, magtitipon ang mga kabataan sa Bantayog ni Rizal sa Daet para sa isang protesta na layuning ipahayag ang kanilang panawagang mapapanagot ang mga may kinalaman sa mga maanomalyang flood control projects sa buong bansa.

Nananawagan din ang Youth Against Kurakot (YAK) – CamNorte, sa iba pang sektor na makilahok sa mapayapang pagtitipon na may temang “BAHA SA CAMNORTE: ILIGTAS ANG PROBINSYA, MGA KURAKOT ISUKA!”.

Panawagan ng grupo sa lahat na sasali na magsuot ng puting damit, magdala ng tubig inumin na nakalagay sa tumbler para maiwasan ang pagkalat ng basura, magdala ng sariling placard, makisama sa panawagan laban sa katiwalian at iwasang magdala ng anumang matutulis o mapanganib na bagay.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top