Camarines Norte – Pormal ng manunungkulan bilang Acting Governor ng lalawigan ng Camarines Norte si Board Member Dennis Riel ng 2nd District matapos ibaba ang suspension order laban kay Governor Ricarte Padilla noong nakaraang linggo.
Si Padilla ay nahatulan ng Ombudsman ng isa’t kalahating taon suspension dahil sa pagkakatalaga nito bilang miyebro ng Governors Special Action Group si dating Mayor Senandro Jalgalado at si Jorge Dayaon bilang volunteer broadcaster ng Radyo Pilipinas.
Isang taong suspension ang ipinataw ng ombudsman sa isyu ng GSAC at kalahati naman sa pagkakatalaga nito bilang broadcaster kay Ginoong Dayaon.
Gayunpaman, ipinahayag ng uupong Acting Governor ng lalawigan na ipagpapatuloy nito ang nasimulan ni Gov Padilla at tuloy tuloy pa rin ang gagawing pag-usad ng lalawigan ng Camarines Norte.


2022 pa pala ang kaso na ito ngayon ang binabaan ng hatol ng Ombudsman very timely naman dahil nga nanalo sa election Si Mr. Padilla. Paano kaya kung natalo sya sa election tuloy pa kaya ang kaso?
Mapalitan na din si Ombudsman Martirez, at babaliktarin ng bagong Ombudsman ang disisyon, at mababalik kaagad sa pwesto si Gob, Padilla at bise gob Ascutia