Kontratista nang gumuhong Riprap sa Barangay Malatap Labo, Sasagutin ang pagsasaayos nito

Nasa ilalim pa ng warranty period ang gumuhong riprap ng Maharlika Highway sa Barangay Malatap, Labo, Camarines Norte at sagutin pa ang pagsasaayos nito ng kontratista, ito ang inihayag ni District Engr. Edwin Bermal ng CNDEO, nakakasakop sa unang distrito ng lalawigan sa tanong ng mga mamamahayag.

Naging viral sa socmed ang gumuhong riprap project sa gilid ng Maharlika Highway sa nabanggit na barangay na ayon sa uploader na si Romeo Vega ay halos isang buwan pa lang itong natatapos.

Ayon pa kay Engr Bermal, ang kanilang tanggapan ay hanggang sa monitoring lamang sa mga construction activities sa Maharlika Highways dahil ito ay nasa pangangasiwa ng DPWH Regional Office.

Sinabi din ni DE Bermal na hindi pa naman tapos ang naturang proyekto at hindi pa ito naitu-turn over sa kagawaran kaya responsibilidad pa ng kontratista na ayusin ang nasirang bahagi ng pagawaing bayan na ayon sa kanya ay gumagawa na umano ito nang hakbang upang ayusin ang gumuhong riprap.

Ayon naman sa engineering design, sinabi pa ng District Engineer na wala talagang bakal na inilalagay sa mga ginagawang riprap dahil sa ito ay proteksiyon lamang sa gilid ng kalsada subalit dapat ito ay matibay at hindi basta basta guguho kung kayat maaaring baguhin ang plano nito kung makikitang madalas na dadaanan ito ng tubig baha na magiging sanhi ng paguho nito.

Loading spinner
Avatar photo
Fiber Glass Fabricator DWSR 94.1 Power Radio (Anchor / Broadcaster)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top