Nawawalang Mangingisda sa Mercedes, Natagpuang wala ng buhay sa karagatan ng Siruma, Camarines Sur

Isang 37-anyos na mangingisda ang natagpuang wala nang buhay sa karagatang sakop ng Siruma, Camarines Sur, matapos umanong mahulog mula sa sinasakyang bangka habang nangingisda sa laot ng Mercedes, Camarines Norte, humigit-kumulang dalawang milya sa likod ng Canimog Island.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:00 ng hapon noong Hunyo 28, 2025, ay nawawala na ang biktimang si alyas “MAK,” residente ng Purok 3, Brgy. 2, Mercedes. Sa salaysay ng kanyang kasamahan na si alyas “William,” agad siyang nagtungo sa Coast Guard Sub-Station ng Mercedes dakong alas-5:00 ng hapon upang iulat ang pagkawala ng biktima.

Ang bangkang ginamit sa pangingisda ay pag-aari ni alyas “Viv” ng Brgy. 5, Mercedes at minamaneho ni alyas “Judymar” ng Purok 3, Brgy. 3, Mercedes. Agad na nagsagawa ng paghahanap ang mga tripulante ngunit hindi natagpuan ang biktima. Pagbalik sa Mercedes Fishport ay agad ding iniulat ang insidente sa may-ari ng bangka.

Kinabukasan, Hunyo 29, 2025, bandang alas-9:30 ng umaga, nagsagawa ng joint search and rescue operation ang Coast Guard Sub-Station Mercedes, MDRRMO-Mercedes, kapitan ng bangka, mga tripulante, at ang asawa ng biktima na si alyas “Amie.” Habang nagpapatuloy ang operasyon, nakatanggap sila ng ulat ukol sa isang bangkay na palutang-lutang sa baybayin ng Brgy. Butawanan, Siruma, Camarines Sur.

Agad na nagtungo sa lugar ang grupo at positibong kinilala ni alyas “Amie” ang bangkay bilang ang nawawala niyang asawa.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at inihahanda na rin ang kahilingan para sa post-mortem examination upang matukoy ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Source: CNPPO PIO

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top