Isang lalaki arestado sa paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Code of the Philippines

Capalonga, Camarines Norte – Naaresto ang isang lalaki sa paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Code of the Philippines matapos magsagawa ng isang intel-driven operation ang mga tauhan ng Capalonga Municipal Police Station sa Brgy. Catioan, Capalonga, Camarines Norte, ganap na 12:20 AM noong Disyembre 2, 2025.

Ang operasyon, na pinamunuan ni PSSg Jeyniel J Legaspi, Intel Operative, sa ilalim ng direktang superbisyon ni PCPT JOSELITO R JUEVES, ACOP, ay nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si alyas “Mentong,” 56 taong gulang, isang magsasaka at residente ng nasabing bayan.

Nasamsam mula sa suspek ang labing-pitong (17) piraso ng pinutol na kahoy na Narra na may iba’t ibang sukat at nakalagay sa isang kulay abong private utility van. Ang mga kahoy ay tinatayang may kabuuang 140 board feet na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱8,500.00. Nabigo ang suspek na magpakita ng kaukulang dokumento para sa pag-iingat at pagbiyahe ng naturang kahoy.

Ang pagkakaaresto ay isinagawa bilang paglabag sa probisyon ng Presidential Decree 705. Ang mga nakumpiskang kahoy ay nasa kustodiya na ng Capalonga MPS para sa nararapat na disposisyon. Ang operasyon ay matagumpay na naisagawa gamit ang Alternative Recording Device (ARD), partikular ang Realme GT Master, bilang bahagi ng dokumentasyon.

Patuloy na magsasagawa ang Capalonga MPS ng mas pinaigting na operasyon laban sa mga lumalabag sa batas upang mapangalagaan ang ating kalikasan at kapaligiran.

Sa pangkalahatang pamumuno ni PCOL PAUL FLORENDO ABAY, Acting Provincial Director ng Camarines Norte Police Provincial Office ay nananatiling matatag sa pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa kapayapaan, seguridad, at kalikasan ng lalawigan.

source: Camarines Norte Police Provincial Office

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top