138 Bilyong halaga ng proyekto ng DPWH depektibo – COA

Mahigit 138 bilyong proyekto ng Department of Public Works and Highway ang iniulat ng Commission on Audit noong 2024 na kung saan ito ay naantala o hindi maayos ang pagpapatupad dahil sa kakulangan sa planning engineering, at monitoring pati na rin sa masamang panahon, problema sa right of way at mabagal na paglabas ng permit.

Ayon sa Audit report noong 2024, 1,435 proyekto na may kabuuang halagang 77.4B peso ang hindi natapos sa takdang panahon, 523 naman dito na may halagang 33.6B ang nasuspende, samantalang 491 naman dito ang may malaking slippage na may halagang 19.2 Bilyong Peso, Umaabot naman sa 114 proyekto ang hindi pa na sisimulan at 33 naman ang tuluyang naterminate na may halagang 6,72 Bilyon at 1.29 bilyon ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ilan din sa mga proyekto ng DPWH ang idineklarang “100% complete” subalit may depekto sa aktuwal na inspection na nagkakahalaga ng 1.9B mula naman sa rehiyon ng CAR, MIMAROPA, Western Visayas at Northern Mindanao, May 48 proyekto pa na fully paid ngunit hindi ganap na natapos.

Sa rekomendasyon ng COA kailangang paghusayin ng DPWH ang koordinasyon at monitoring, papanagutin ang mga contractor na may delay, iwasan ang maling pagdedeklarang tapos na ang proyekto at siguruhing maayos ang planning at kapasidad ng mga contractor upang maiwasan ang karagdagang pagkaantala.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top