Suspect sa Pagpatay sa Babaeng Nahulog sa Tulay ng Pinagwarasan Sumuko sa PNP

Sumuko na kagabi sa mga awtoridad ang primary suspect o person of interest ng mga kapulisan sa pagpatay kay Annie1627 at ito ay ang mismong ka live in nito na nakatira sa Mantugawe, Basud at nagtratrabaho bilang isang security guard sa Laguna.

Ang pagsuko ay naganap sa Brgy. Poblacion B, Rosario, Batangas, pasado 12:00 ng madaling araw ng Enero 7, 2026. Matapos ang pagsuko, agad na dinala ang suspek sa Cabuyao, Laguna upang sumailalim sa inquest proceedings at pormal na maihain ang kaukulang mga kaso laban sa kanya.

Pinasalamatan ni PCapt Mark Armea, Hepe ng Basud MPS ang lahat ng mga tumulong upang mapabilis ang pagresolba sa kaso ng isang babaeng pinatay, isinilid sa megabox at itinapon sa Tulay ng Pinagwarasan, Basud Camarines Norte.

Isang concerted efforts umano ang pagkumbinsi sa suspect na sumuko at pinasalamatan niya ang lahat ng tumulong sa imbestigasyon lalo na ang Special Investigation Team na pinamumunuan ni sir PCOL Paul F Abay, ganon din ang tulong ni Mayor Shunn Davoco para sa gas allowance, media at netizens na nagbigay ng mga paunang impormasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima,

Pinasalamatan din nya ang mga personnel ng Laguna PPO at Batangas PPO at mga kasmahan sa CNPPO at Basud MPS.

Loading spinner
Avatar photo
Fiber Glass Fabricator DWSR 94.1 Power Radio (Anchor / Broadcaster)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top