Minor eruption, naitala sa Taal Volcano ng Philvocs

Dakung alas-7:00 ng gabi nitong araw ng Biyernes, Enero 9, 2025 muling nagtala ng aktibidad ang Taal Volcano na muling nagdulot ng pangamba sa mga residenteng malapit sa naturang bulkan

Ayon sa Philvocs nagtala ang Taal ng Minor Eruption na may kasamang pagbuga ng Sulfur Dioxide na kung saan mas mataas ito kumpara sa karaniwang 78 metric tons na naitala naman noong nakaraang linggo.

Gayunpaman sa kabila ng mataas na gas emissions nakapagtala lamang ng tatlong volcanic earthquakes ang kanilang naobserbahan.

Sa kasalukuyan patuloy nananatili sa Alert Level 1 ang bulkan na indikasyon ng mababang antas ng pag-alburuto.

Nagbabala naman ang lokal na pamahalaan sa mga residenteng naninirahang malapit sa bulkan na manatiling alerto at sundin ang kanilang mga abiso.

Sa kasalukuyan ay nananatiling unpredictable ang kalagayan ng Bulkang Taal kaya patuloy itong sinusubaybayan ng PHILVOCS

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top