Rank 2 Provincial Most Wanted Person sa Camarines Norte Arestado sa Laguna

Naaresto ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit, Sta Elena MPS, PIT Laguna, RIU 4A at ng Bay MPS ang Camarines Norte’s #2 Most Wanted Person sa Purok 1, Barangay Maitim, Bay, Laguna, bandang alas 3:30 ng hapon nitong November 11, 2025

Kinilala ang suspek sa alyas na “Henry”, 62 anyos, may asawa at residente ng bayan ng Capalonga, Camarines Norte. Inaresto ang nasabing indibidwal sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Criminal Case No. 17-3207 at 17-3208 na walang rekomendadong piyansa na ipinalabas ng RTC Br 64, Labo, Camarines Norte.

Sa kasalukuyan ay nasa ilalim na ng kustodiya ng Sta Elena MPS ang naarestong akusado para sa kaukulang disposisyon.

Source: CNPPO

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top