Kampo ni Dating Pangulong Duterte aapela sa ICC upang baliktarin ang desisyon noong October 23

Nakatakdang iapela ng kampo ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naging desisyon ng Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court sa The Hague Netherland matapos ibasura nito ang hamon nilang hindi nito sakop ang kasong kinakaharap ng pangulo.

Pangungunahan nina Nicolas Kaufman ang lead counsel ng pangulo at Dr Dov Jacobs Associate Counsel ng dating pangulo ang pag-apela sa naturang kaso.

Nais ng kampo ng dating pangulo na baliktarin ang inilabas na desisyon ng ICC noong October 23 at nakasaad din sa apela na walang legal na basihan para ipagpatuloy pa ang International Court ang pagdinig sa kaso ng dating pangulo.

Si Dating Pangulong Rodrigo Duterte ay naaresto noong Marso 11 dahil sa Crime Against Humanity bunsod ng kanyang kampanya sa iligal na droga noong panahon niya bilang pangulo ng bansa.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top