Naging mapayapa ang unang araw ng Peace Rally na pinamunuan ng Iglesia ni Cristo na pinasimulan kahapon, November 16, 2025, ito ang naging pagtaya ni DILG Secretary Jonvic Remulla. Ayon pa dito napaghandaan ng gobyerno ang tatlong araw na rally kasama na rito ang destabilizers.
Ang naturang rally ay personal na binisita ni Sec Remulla kasama sina Philippine National Police Chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr at National Capital REgion Police Officer Director Major General Anthony Aberin.
Ayon pa dito tinupad umano ng tagapamahala ng INC ang kanilang napagkasunduan sa isinagawang pagpupulong bago ang naturang rally na kailangang magiging mapayapa ang isasagawang kilos protesta.
Tiniyak naman ng kalihim na hindi magbabago ang ipapatulad nilang seguridad sa ikalawa hanggang huling araw ng rally na isinasagawa ng INC.
Magugunitang aabot sa 650,000 mga katao ang dumalo sa unang araw ng rally sa Quirino Grandstand

