Ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang dagdag-bawas sa pressyo ng kanilang produktong petrolyo base na rin sa itinalaga ng Department of Energy.
Kaninang alas-6 ng umaga ipinatupad ang P0.20 na bawas presyo sa kada litro ng gasolina samantalang may P.0.90 namang dagdag kada litro ng kerosene ganun din ang diesel ay mayroong P0.90 kada litro na dagdag presyo.
Ito ang pang-anim na linggong taas presyo sa diesel at kerosene.
Ayon sa DOE ang naturang pagtaas ay sanhi sa pagtaas ng presyo ay dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.

