13 Milyong halaga ng Appliances Kinumpiska ng DTI

Kumpiskado ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mahigit 3,000 na uncertified na mga home appliances sa isinagawang operasyon nito laban sa mga sub-standard electrical appliances sa bansa.

Ang naturang operasyon ay isinagawa sa isang bodega sa Bulacan na kung saan umaabot sa Php 13.2 milyong halaga ng mga appliances ang nakumpiska nito na kinabibilangan ng electric kettles, electric fans, pressure cookers, rice cookers, multi-cookers, induction cookers at blenders.

Ang mga naturang appliances ang siyang ibenebenta online ng walang anumang PS Mark na nangangahulungang hindi dumaan sa Quality Control.

Bago ang operasyon ay nagsagawa muna ang DTI ng test buy at napatunayan ng walang Philippine Standard marks at Import Commodity Clearance (ICC) stickers ang mga naturang kagamitan.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top