LIpa Archbishop Gilbert Garcera nahalal bilang bagong pangulo ng CBCP

Isang malaking karangalan sa bayan ng Daet particular sa simbahang katoliko matapos mahalal bilang Presidente ng Catholic Bishop Conference of the Philippines si dating Daet Bishop Gilbert Garcera na ngayon ay Archbishop ng Lipa sa katatapos na 130 Plenary Assembly sa Anda, Bohol

Siya ang papalit kay Cardinal Pablo Virgilio David ng Kalookan na matatapos ng kanyang ikalawang termino sa November 2025 na pormal namang uupo sa posisyon sa Disyembre 1, 2025 para sa dalawang termino.

Si Archbishop Garcera ay tubong Magarao Camarines Sur na ipinanganak noong Pebrero 2, 1959.

Naging ganap na pari noong 1983 sa Archdiocese of Caceres at naging obispo ng bayan ng Daet mula noong 2007 hanggang 2017.

Itinalaga bilang Arsobispo ng Lipa noong 2017 a may higit 3.3 milyong mananampalatayang nasasakupan.

Naging chairman ng CBCP Commission on Mission at Commission on Family and Life at naging bahagi rin ng CBCP Permanent Council bilang kinatawan ng Southeast Luzon.

Siya ay nagkamit ng doctorate sa Organization Development mula sa SAIDI at master’s degree sa Religious Studies mula sa Ateneo De Manila.

Inaasahan na pamumunuan nito ang mga obispo sa mga isyung moral, pastoral at panlipunan habang pinapalalim ang konsultasyon sa mga layko sa ilalim ng synodal journey ng simbahan.

Si Arsobispo Garcera ay umani ng pagbati mula sa mga nakasama nitong kaparian at mga residente ng Camarines Provinces kung siya nagmula at matagal na nanilbihan bilang pari at bilang obispo.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top