Sa patuloy na pagpapatupad ng kampanya laban sa insurhensiya, isang kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Prieto-Diaz, Sorsogon, bandang alas-10:00 ng umaga ngayong Setyembre 21, 2025.
Kinilala ang surrenderee na si alyas “Nerio”, 62 taong gulang, may asawa, magsasaka. Siya ay miyembro ng KLG1, SRC3, BRPC, at Non-PSR ng CTG. Ang kanyang pagsuko ay resulta ng matagumpay na serye ng dayalogo at negosasyon na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Prieto-Diaz MPS (lead unit), 1st PMFC, at PIU ng Sorsogon PPO.
Matapos ang pagsuko, agad na isinailalim si Nerio sa mandatory physical at medical examination sa Prieto-Diaz Medicare Hospital sa tulong ng Prieto-Diaz MPS.
Sa kasalukuyan, ang mga kasapi ng Prieto-Diaz MPS at iba pang ahensyang katuwang ay nagbibigay ng tulong at gumagabay sa proseso ng kanyang aplikasyon para sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
Ang nasabing pagsuko ay isang patunay ng matagumpay na pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan tungo sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga dating rebelde na makabalik sa normal na pamumuhay kasama ang kanilang pamilya at komunidad.
source: Sorsogon Police Station

