Lalaki, Arestado sa paglabag sa RA 10591, Baril at mga Bala nasamsam sa Search Warrant Operation sa Bayan ng Daet

Daet, Camarines Norte – Isang lalaki ang naaresto matapos pagsilbihan ng Search Warrant ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Camarines Norte Provincial Field Unit at Daet Municipal Police Station (MPS) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Magang, Daet, Camarines Norte nitong Hunyo 25, 2026.

Bandang 2:45 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng CIDG Camarines Norte PFU, bilang lead unit, katuwang ang mga tauhan ng Daet MPS, ang Search Warrant operation laban sa suspek na kinilalang si alyas “Jojo,” 38 taong gulang, may asawa, construction worker, at residente ng naturang barangay.

Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng Search Warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act No. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa isinagawang paghahalughog sa tahanan ng suspek, nakumpiska ng mga awtoridad ang mga sumusunod na ebidensya:

Isang (1) pirasong pinaghihinalaang kalibre .22 revolver na may tatak na Smith & Wesson Magnum 22, walang serial number; at
Apat (4) na pirasong pinaghihinalaang live ammunition para sa kalibre .22.

Matapos ang operasyon, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine. Dinala siya, kasama ang mga nakumpiskang ebidensya, sa CIDG Camarines Norte Provincial Field Unit para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng nararapat na kaso.

Muling pinatutunayan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) ang patuloy nitong kampanya laban sa ilegal na pagmamay-ari at paggamit ng mga baril upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng publiko. Patuloy ding hinihikayat ang mamamayan na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon laban sa mga paglabag sa batas.

Ang matagumpay na operasyong ito ay bunga ng mahusay na koordinasyon at maagap na pagpapatupad ng batas ng ating kapulisan. Mananatiling mahigpit ang ating kampanya laban sa ilegal na pag-iingat ng mga baril upang matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad.

Loading spinner
Avatar photo
Baretang Bikolnon News Advertising Services DTI BN: 6931839 Were accepting local advertisements nationwide and promotions. Just send us a message. Thank you POST YOUR ADS HERE ,➡️ https://bicolnewsonline.com/classifieds/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back To Top